RSS

Monthly Archives: January 2009

Friday’s Foto



Burst of Beauty, originally uploaded by airam94564.

 
3 Comments

Posted by on January 30, 2009 in Uncategorized

 

I hope I can just twitter my way into blogging.

I have beent thinking that if not for MY WORLD and Friday Foto posts, this blog would long have ceased.  You see I am experiencing some lack of inspiration to write something or share something.   So, I’ll try some updating instead.  Not that there’s plenty happening around here.

Attended a dinner party courtesy of hubby’s work.  Had fun.  Photos of fun here.  Am not in any of the pics.  Had appetizers and drinks, and dinner, but did not stay for the dancing.  I am not in any of these pictures. 😦

 Got DARK KNIGHT from Netflix.  Did not have time to watch it.  Put it on just an hour before the 11 pm news.  Watched news then continued to play the movie.  Movie played over and over (while we slept) until I shut it off at god knows what time.  What little I saw, I did not like it.  Probably because I’m really not a Batman fan.  Plus, some of the scenes I saw were pretty disturbing, hubby agreed with me.  But Heath did an outstanding job indeed. He should have been considered for the lead actor not the supporting in the awards consideration.

For the love of me, I can’t recall what I did on MLK day.  I am losing my mind and my memory. Help! 

 
4 Comments

Posted by on January 28, 2009 in Uncategorized

 

My World #15: A windy day in the bay

Do you remember in November I told you about our crabbing activity in the bay?  Okay, while we were waiting for the crabs to bite so to speak, I was busy enjoying the sights of the bay.  It was windy and breezy that day and I saw how one boat almost capsize.  I followed it and took photos of it (photos 1 to 3).  Not too far from boat 1, I noticed the fourth photo where wisely it lowered the sails to avoid the same fate as that of the first boat.  I have no knowledge of nautical terms. Please bear with me and the terminologies I have used here.

My world is a weekly meme where players showcase their respective worlds every week.  To see more entries or to join, please visit the MY WORLD page.

 
30 Comments

Posted by on January 26, 2009 in My World

 

Friday’s Foto

 
3 Comments

Posted by on January 23, 2009 in Uncategorized

 

Based on Actual Events–A MMK moment

Warning:  Non English post and very loooong.

I wrote this some 7-8 years ago as a journal entry in English.  Last year when I toyed with the idea of posting it here, I rewrote it in Tagalog.  No reason other than the fact that as far as I can remember I have never written something in straight Tagalog aside from the writing assignments in Pilipino classes. 

 Dear Charo,

Dapat sana nagulat ako, o di sana eh naghinala man lang sa pagbisita ni Brad Pitt dito sa bahay. Aba bakit nga ba hindi eh sa tatlong taon naming magkaklase nung high school ni minsan di napadpad sa bahay yang si Brad, samantalang ako at ang iba pa naming mga kaeskuwela ay halos magbabad sa kanilang bahay. At sa baryo pa ang bahay nila samantalang kami’y taga bayan, aba malayo layo din yung tambayan namin ah. Pero anhin ko mang isipin ni hindi sumaglit sa isipan ko na may mangyayari nung araw na iyon.

Nagbihis agad ako ng damit panglakad ng makita ko si Brad na kasama ng aking frends na si Phoebe. Alam kong gala na naman ang sadya nitong dalawang ito. Pero nang babain ko at harapin iba na ang naging ihip ng hangin. Seryoso ang mukha ni Brad. Pinaupo ako ni Phoebe at isinalaysay niya ang kanilang sadya. Ikakasal na daw si Brad!!!! Nahuli daw sila sa akto. At may baril na kasangkot, “shotgun wedding” kungbaga. At hindi sila naririto para ihatid ang magandang balita. Narito sila sapagkat nais ni Brad na maglabas ng sama ng loob. Laking gulat ko talaga. Ang nasabi ko sa sarili, aba parang sine ito ah! Nakinig ako ng maigi sa kanyang hinaing. Hinaplos haplos ko ang kanyang likod sa pakikiramay sa kanyang kalagayan. Wala kaming inabot na kasagutan sa kanyang suliranin, kayat minarapat naming pasyalan si Rachel, ang isa pa naming frends na isat kalahating kanto lang ang layo sa akin.

Gaya ng inaasahan, naulit ang pagsasalaysay sa balkonahe nila Rachel. Ito naman ang humaplos haplos kay Brad para kalmahin (at hindi kalamayin ah) ang kalooban nito. Sa lahat ng taon na aking kakilala si Brad ito ay masyadong personal na tao. Wala nga akong nababalitaan na nililigawan nito noong high school. Ito ay nakatutok sa pagaaral. Sabagay kahit ba iisang grupo namin di kami masyadong close nito kaya laking gulat ko na lang sa mga pangyayaring ito.

Kahit tatlo na kaming nagiisip wala kaming solusyon sa problema ni Brad kayat minarapat naming dalhin kay Monica ang problema ni Brad kahit ba siya ay paalis na patungong Estados Unidos para doon maghanap buhay. Mabuti na lamang at siyay andito pa para kami ay gabayan. Si Monica ang aming “brains” ng grupo. Maliban sa matalino ito, hindi pa siya nahihiyang magbigay ng payo. At ang pinakamaganda nito, hindi siya nagpapairal ng emosyon pag dating sa ganitong mga bagay. Hinaharap niya ang anumang bagay na klaro ang pagiisip. Siya’y matyur para sa kanyang edad, samantalang kamiy parang teen-ager pa din.
At dahil naghahanda na sa pagalis patungong EU si Monica, buo ang pamilya niya sa bahay nila. Andoon ang kanyang ama na bumalik na galing ng Middle East. Pero binigyan nila kami ng pagkakataong makapagsarili sa sala. Naupo kaming apat sa sofa. Isinalaysay namin ang mga pangyayari at sa bandang huli ay nahingi kami ng payo. Heto na po. Pabalik balik na naglalakad sa aming harapan si Monica habang kanyang ibinabahagi sa amin ang kanyang pamosong, DONT DO THE CRIME IF YOU CANT DO THE TIME na sermon. Wala siyang ipinakitang pakikiramay sa aming kaibigan. Pero tama lang naman iyon sa aking pakiwari sapagkat tatlo na kaming kasangga ni Brad. Kailangan namin ang kanyang neutral na palagay sa kahihinatnan ni Brad.

Sa aming pagalis sa bahay ni Monica, nakabuo kami ng plano. Ang sabi ni Phoebe kailangan naming tulungan si Brad. Dito masusubok and aming prendsyip. Syempre pa, sang-ayon kami ni Rachel sa ganitong plano. Anuman iyon.

Nang mahimasmasan si Brad, nagpaalam na ito. Samantalang kaming tatlo’y abala sa pagbuo ng aming “master plan” para maiiwas si Brad sa pagpapakasal sa babaeng ito na hindi namin kakilala. Siyanga pala, nakalimutan kong sabihin na buntis ang babae, yan ang sabi ni Brad. Pero, yan ay di namin isinaalang alang sa aming pagbuo ng plano.

Ganito ang aming napagkasunduan, malasine ito. Magpapanggap si Phoebe na buntis, may kasama pang props na kunway siya’y buntis. At kapag dumating na sa puntong itatanong ng pari kung may tututol ba sa kanilang pagiisang dibdib, tatayo itong si Phoebe at syang tututol at ilalahad sa lahat ng nasa simbahan na siya ay nagdadalang tao at si Brad nga ang ama. Alam ni Brad na ganito ang plano namin.

Ngayon kung binabalikan ko ang nakaraan, naaalala ko pa ang kasabikan ko sa plano namin. Ako at ang dalawa ko pang kaibigan ay pawang mga mababait na tao, may takot sa Diyos, pero bakit wala ni isa man sa aming tatlo and nakaisip na mali itong planong ito? Si Monica na aming kinunsulta ay siyang humadlang sa pagusad ng aming plano. Kami raw ay nasisiraan na ng bait. Pero matigas and ulo namin, sige pa ring pag perpekto ng aming nasabing plano ang aming pinagkaabalahan.

Sa pagdating ng araw ng kasal, kami’y nagdalawang sakay patungo sa kabilang bayan sa aming probinsya. Nung araw ding iyon namin napagalaman na hindi pala sa katoliko ang kasal kundi sa Aglipay. May kalakihan and simbahan at pinasya naming tatlo na umupo sa likuran. Lahat ng pumapasok ay nakatingin sa amin dahil nga naman wala kami sa gawi ng “groom side” or “bride side”. Isa pa, mukhang sabit lang kami duon. Kung baga, talagang mukha kaming mga “outsiders”.

Tiningnan kami ni Brad isa isa mula sa may kalayuan. Hindi namin malapitan ito sa loob ng simbahan kahit ba kilala kami ng kanyang mga partido. Ewan ko ba kung bakit. Pero hayun naka barong tagalog siya at naghihintay sa kanyang kaisang dibdib. Nakatayo at ang mga mata’y humihingi ng tulong. Kaming tatlo’y paralisado sa mga oras na iyon. Wala kaming magawang tulong sa aming kaibigan kundi kawayan siya, aming bersyon ng “asa likod mo kami, gayem”.

Nagumpisa na ang misa/kasal. Aray!!! Ilocano ang misa. At hindi lang Ilocano, Ilocanong hindi namin maintindihan. Kami’y mga Ilocano, pero andaming mga salita na kaiba sa aming Ilocano! Patay! Wala kaming maintindihan. Pero kahit na ganoon, malakas pa din ang “fighting spirit” namin. Aba sa dinami dami ng kasal na aming nakita maging sa personal o sine, kabisado na namin ang buong kasal, di ba? Hah, yan ang akala ninyo. Sapagkat nag reredi pa lang kami sa may punto na kung saan itanong ng pari kung may tututol ba, aruy, sa harap ng altar ay “kiss the bride” na ang eksena. Laking gulat naming tatlo. Nagkatinginan kami at nagtanungan kung kami bay hindi nakikinig ng maige? Bakit napalampas namin and parte na aming pinakahihintay?

Ganoon ang kinahantungan ng aking kwento. Pero mabuti na yon dahil sa palagay ko ay hindi namin kayang isakatuparan ang aming plano. Parang laro lang siya. Maigi na ring ganoon ang resulta dahil nasa simbahan kami at kami’y nagpaplano ng kalokohan.

Hindi naging palagay sa amin si Misis Pitt. Lagi nitong sinusundo si Mister kapag gumigimik kami. Mayroon kaming isang kubo na tambayan namin, pagaari ng ate ng isa sa aming kaibigan at open ito sa amin kahit anong oras. Bibili kami ng beer, coke (yung iniimon ah), at tsibog, at alam ni Misis kung saan susunduin si Brad. Ang laki ng galit o inis niya sa amin. Wala kaming paki. Si Brad naman laging naka’ “hayaan niyo na siya”, siguro naman mahal din niya ito kaya nagpapikot na.

Alam niyo na siguro na di buntis si Misis ano? Makalipas ang maraming taon,  nabalitaan ko nagkaanak din sila.

Gumagalang,

Janice

15 Yemen Road, Yemen

 
1 Comment

Posted by on January 21, 2009 in personal

 

My World #14: A beautiful winter day in Lake Tahoe

Remember my entry for My World #12?  There I talked about how we could drive 3 hours for a taste of snow and I showed you some photos I took from the freeway.  I thought for this week’s entry I was going to revisit Lake Tahoe and shared with you our nice Sunday in Lake Tahoe.

This Sunday, being the second of a three-day weekend, we decided to walk under tall trees with snow making crunching noises with our every step and forego any stop at a casino.  We were successful.  No casino time.  It was a beautiful day to begin our drive.  We parked our car  beside the road and explored.  Found this trail after crossing a narrow bridge.  This park is filled with quaking aspens and very deserted.  Only the sound of running water could be heard.  It was wonderful.  We saw this marker and took the trail to the right.

This is what we found when we followed that trail.  We took a long time snapping and shooting everything in sight.  The temperature was fluctuating from 44 to 48 and it was glorious.

This was a trip with the sole intention of being outdoors with nature and of course a photo op for both me and my husband (pictured here).  He has the big camera and I was using my trusted point and shoot.  Here he is seen at work.  By this time I was ready to leave.

I was keen on getting my own shots too.  Above is one of the shots I took that did not include hubby shooting something.   I knew we were finally getting a late lunch early dinner (at 4 pm) when hubby asked if I had enough material for my blog.  He used to be very suspicious of blogging; now he’s very supportive of it.

My World is a weekly meme where people show their world to other players.  To play, click this.

 
38 Comments

Posted by on January 19, 2009 in My World

 

Friday’s Foto



looking good, originally uploaded by airam94564.

This cute little boy turned 11 yesterday.

I have this old photo in my flickr, scanned, from those one time use cameras (remember those?) and thought this is a cute look back at how fast time flies.

Happy Birthday, darling, and see you tomorrow.

 
3 Comments

Posted by on January 16, 2009 in Uncategorized